Home HOME BANNER STORY P1.7-T nawala sa stocks sa nakalipas na tatlong linggo sa flood control...

P1.7-T nawala sa stocks sa nakalipas na tatlong linggo sa flood control anomaly, fake news!

325
0

MANILA, Philippines – FAKE NEWS!

Ito ang sigaw ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go sa lumabas na ulat hinggil sa umano’y P1.7 trilyong piso ang nawala sa market value ng mga nakalistang kompanya sa Philippine Stock Exchange dahil sa isyu ng korapsyon na may kinalaman sa flood control projects.

Ani Go, walang katotohanan ang lumabas na impormasyon partikular sa social media na nagsasabing umabot sa 12% ang naitalang main drop sa Philippine Stock Exchange o PSE.

Sa katunayan, nakausap niya ang PSE President at top brokers ng stock market at itinanggi ang ulat na malinaw na gawa-gawa lamang ito.

“The attributed source confirmed na fake news ito at hindi galing sa kanila. The fact is, the drop wasn’t 12%. You may confirm this with the Philippine Stock Exchange or your favorite stock brokers,” ang pahayag ni Go.

Sinabi ni Go na 1.6% lamang ang naitalang pagbaba sa merkado at malayo sa pinalitaw sa fake news.

Ito ayon kay Go ay nasa period ng August 11 to 29, 2025.

Sana po huwag na tayo magpaloko sa fake news,” aniya pa rin.

Tinuran ni Go na nakakalungkot na sa kabila ng mga ginagawa ng gobyerno ay mayroon pa ring mga grupo na pilit sumisira sa bansa sa pamamagitan ng pagkakalat ng maling impormasyon laban sa gobyerno. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here