TINGNAN: Nagtipon ang mga pinuno mula sa Asian Development Bank (ADB), Fuse Financing (GCash), Mastercard, at Department of Trade and Industry (DTI) para sa paglulunsad ng ₱1.75-bilyong loan facility na naglalayong palawakin ang responsable at inklusibong access sa pautang ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa—patunay ng matibay na ugnayan ng pampubliko at pribadong sektor para sa inklusibong paglago ng ekonomiya.







