Home 6-Digit Game P1.8-M jackpot ng 6D lotto nasungkit ng 1 mananaya

P1.8-M jackpot ng 6D lotto nasungkit ng 1 mananaya

529
0

MANILA, Philippines – Isang maswereteng mananaya ang makapag-uuwi ng P1.8 milyon jackpot prize sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes, Peb. 5.

Nahulaan ng mananaya ang eksaktong sunud-sunod na winning combination na 0-3-0-5-8-9 ng 6D Lotto, kaya’t mai-uuwi nito ang P1,800,431.00 na jackpot prize.

Samantala, walang nanalo sa alinman sa major lotto draws.

Walang nanalo sa lotto 6/42 na may kombinasyon na 10-36-30-16-29-39 at may jackpot prize na P10,000,000.00.

Wala ring nakapag-uwi ng P34,512,702.58 jackpot prize para sa Superlotto 6/49 na may winning combination na 12-42-17-49-16-36. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here