MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek kasabay ng pagkakasamsam sa mahigit P1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operations sa Pampanga at Bulacan nitong Biyernes, Agosto 22.
Sa Mabalacat City, Pampanga, naaresto ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang high-value individual (HVI) sa Barangay Dapdap bandang 5:48 ng hapon.
Narekober dito ang 205 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.39 milyon.
Bandang 2:30 ng madaling araw naman sa Barangay Bambang, Bocaue, Bulacan, ay naaresto ang dalawang suspek kabilang ang isa pang HVI matapos makumpiskahan ng 65 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P442,000.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC