Home METRO P1.9M tobats nasamsam sa Agusan del Norte

P1.9M tobats nasamsam sa Agusan del Norte

123
0

AGUSAN DEL NORTE, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang 280 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit ₱1.9 milyon sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Butuan City ngayong linggo.

Noong Miyerkules, Marso 24, nakumpiska ang 180 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.2 milyon sa isang search warrant operation sa Purok 4, Barangay Taligaman. Isinagawa ito ng Station 4 ng Butuan City Police Office (BCPO) at Agusan del Norte Maritime Police Station.

Ayon kay Maj. Jennifer Omiter, tagapagsalita ng Police Regional Office in Caraga (PRO-13), nakatakas ang suspek na kinilala sa alyas “Fred,” 23 taong gulang, at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Itinuturing siyang high-value target at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PRO-13 chief Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV, patuloy ang operasyon ng pulisya para wasakin ang mga drug network sa rehiyon at isinasagawa rin ang follow-up operations para matukoy ang iba pang posibleng koneksyon ng suspek sa droga.

Hinimok din niya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa kampanya kontra ilegal na droga.

Samantala, sa hiwalay na buy-bust operation noong Lunes sa Fort Poyohon, Butuan City, naaresto ang isa pang priority drug suspect. Isinagawa ito ng Philippine Drug Enforcement Agency-Caraga at BCPO City Drug Enforcement Unit.

Nasamsam mula sa suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000, at kinasuhan siya ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o bentahan ng iligal na droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here