Home NATIONWIDE P10.2 milyong droga nasakote sa Quiapo

P10.2 milyong droga nasakote sa Quiapo

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang drug suspect at nakumpiska ang P10.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Sa isang ulat, sinabi ni PDEG chief Brig. Gen Eleazar Matta na naaresto ang mga suspek na sina Lope Alvarez Hernandez at Nacer Gunda dakong alas-3:15 ng hapon sa kahabaan ng Arlegui St., sa Barangay 387.

Kabuuang 1.5 kg ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek, dalawang 9mm pistol at caliber .45 colt commander.

Dinala ang mga suspek sa Special Operations Unit-National Capital Region office ng PDEG at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga ebidensiya na droga ay itinurn-over sa PNP Forensic Group sa Camp Crame sa Quezon City. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)