Home ENTERTAINMENT Ivana, napagod sa Batang Quiapo; Kim, pasok na?

Ivana, napagod sa Batang Quiapo; Kim, pasok na?

Manila, Philippines – Confirmed: nakatakda na ngang mawala si Ivana Alawi sa Batang Quiapo.

Papel na Bubbles ang ginagampanan ni Ivana na bale love interest ni Tanggol played by Coco Martin.

Pero ayon sa source mula sa produksyon, nakapag-taping na ng advanced episodes ang actress-vlogger.

Kung hindi raw hanggang end of July ay maaaring mas natagal pa ang exposure ni Ivana.

May tsikang ang umano’y diva attitude ni Ivana ang dahilan kung bakit dismayado ang mga coworkers nito sa kanya.

But someone from her management office is saying na wala itong katotohanan.

Truth be told, napapagod lang daw ang aktres sa long taping hours.

Sa puntong ito raw ng career ni Ivana, ‘di hamak na mas malaki ang perang iniaakyat ng pagba-vlog niya.

Between taping and vlogging, obyus na mas pinili niya ang huli na hindi raw gaanong stressful.

Samantala, si Ivana ang ikalawang love interest ni Coco sa teleserye to have resigned.

Nauna nang nagbitiw si Lovi Poe who played Mokang.

Kalat nang si Kim Domingo ang ipapalit kay Ivana.

Inaalam pa namin ang status ni Kim kung may existing contractual obligation pa siya dahil taga-GMA siya.

Or posibleng hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata. Ronnie Carrasco III