Home HOME BANNER STORY P10.88M tobats nasabat sa 2 suspek

P10.88M tobats nasabat sa 2 suspek

ILOILO- Nasabat ang P10.88 milyong halaga ng droga sa dalawang lalaking suspek sa ikinasa anti-drug operation ng Estancia Municipal Police Station nitong Biyernes.

Inaresto ng pulisya ang isang alyas “Rene,” 43, residente ng Novaliches, Quezon City; at ang kanyang 22-anyos na kasabwat na naninirahan sa Barangay Gogo, ayon sa huli na ulat ni Estancia Police chief, Lt. Renzo Martinez, noong Sabado.

Sinabi ni Martinez na ang operasyon sa Barangay Tacbuyan bandang alas-6:10 ng umaga ay naunahan ang dapat sana’y paghahatid ng suplay, na 38 sachet ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng 1.6 kg., sa isang mamimili mula sa Iloilo City alas-8 ng umaga.

“Si alyas Rene ay taga-Barangay Pa-on pero noong 2002, lumipat siya sa Novaliches. Matagal na namin siyang sinusubaybayan. Nakatanggap kami ng impormasyon na dumating siya noong Biyernes na may dalang mga ilegal na bagay mula sa Maynila,” aniya.

Ang high-value target ay sumakay sa isang bus mula sa Maynila, na bumibiyahe sa pamamagitan ng roll-on/roll-off, patungong Panay Island.

Matagal nang nasa drug watch list si alyas Rene ngunit walang criminal record, ayon kay Martinez.

Isinailalim sa drug test ang dalawang suspek noong Biyernes ng hapon at sasampahan ng kaukulang kaso sa Lunes.