Home HOME BANNER STORY Isa na namang OFW, patay sa saksak sa Saudi!

Isa na namang OFW, patay sa saksak sa Saudi!

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 32-anyos na overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Kinilala ang biktima na isang domestic worker na si Marjorette Garcia.

Hindi pa rin sigurado ang pamilya ni Garcia sa nangyari kay Marjorette.

“Hindi pa namin alam ngayon kung ano talaga ang kinamatay niya. Pero ang sabi nila, sinaksak daw siya. Hindi pa namin alam kung ano ang resulta,” anang biyenan ng biktima.

Huling nakausap umano ni Marjorette ang kanyang pamilya noong Setyembre 15, 2023.

Humihingi ngayon ng tulong sa gobyerno ang kanyang pamilya sa kanilang paghingi ng hustisya para sa 32-anyos na OFW.

“Mapadali po [sana] ang pag-uwi ng labi niya, tapos yung sa hustisya niya po na nangyari sa kanya. Hanggang ngayon, wala pang alam kung anong nangyari sa kanya. [Kung] bakit pinatay po,” ani Tito Garcia Jr., asawa ng biktima.

Aasikasuhin naman ng OWWA ang mga gastusin sa paglalakbay ng pamilya sa Metro Manila para iuwi ang bangkay ni Marjorette pagdating nito sa Pilipinas. RNT

Previous articleP10.88M tobats nasabat sa 2 suspek
Next articleEconomic sanctions vs Tsina pinalutang ni Lagman