Home NATIONWIDE P10.8M marijuana plantation sa Mt. Province, nadiskubre

P10.8M marijuana plantation sa Mt. Province, nadiskubre

230
0

SADANGA, Mountain Province – Hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagbubunot ng mga otoridad sa halos umaabot sa P10.8 milyong halaga ng naitanim na marijuana sa isang plantation site sa bahagi ng Mount Balitok, Brgy. Saclit, Sadanga dito sa nasabing probinsya.

Sa pinaigting na direktiba ni PBGen. Ericson Diaz Dilag, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) laban sa iligal na droga ay nadiskubre at binunot ang P10,800,000 na halaga ng mga tanim na marijuana.

Iisang plantasyon na natamnan ng halos 54,000 fully grown marijuana plants na may kabuuang Standard Drug Price na P10,800,000.00 ang natuklasan sa lugar.

Agad na binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana, habang kasalukuyan naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa komunidad upang matukoy at mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa pagtatanim ng nasabing iligal na halaman.

Ang matagumpay na operasyong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga operatiba mula Sadanga Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Mountain Province Police Provincial Office, Mountain Province Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Division ng PRO CAR, Regional Mobile Force Battalion 15, Regional Intelligence Unit-14, at Philippine Drug Enforcement Agency-Mountain Province.

Sinabi ni PBGen. Dilag, nananatiling tapat sa layunin nitong ipatupad ang kampanya laban sa iligal na droga bilang bahagi ng pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng buong rehiyon.

Kasunod nito ang paghikayat sa patuloy na pakikiisa ng publiko upang tuluyang masugpo ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa komunidad. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here