MANILA, Philippines – Sanib-puwersa ang Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya sa paglikas sa mga residente sa Sitio Pandan, Sablayan, Occidental Mindoro ngayong Hulyo 23.
Sa kabila ng patuloy na malakas na pag-ulan at banta ng pagbaha, agad rumesponde ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Sablayan kung saan nailikas ang 28 pamilya.
Binubuo ito ng 100 katao na ligtas at maayos na nailikas mula sa apektadong lugar patungo sa itinakdang Sitio Pandan Evacuation Center gamit ang truck ng LGU at truck ng PNP-SAF.
Ayon sa PCG, ang misyong ito ay patunay ng patuloy na tungkulin ng Coast Guard sa mga disaster response operations at ng dedikasyon nitong protektahan ang buhay ng bawat isa, lalo na sa panahon ng kalamidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden