MANILA, Philippines – Nakasalalay na sa Philippine National Police at sa mga donor kung ano ang gagawin at kung kanino ibibigay ang P10 milyong pabuya sa pagkakaaresto ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Bukod kay Quiboloy, nag-alok din ng P1 milyon para sa impormasyon sa bawat kapwa niya akusado.
Noong Linggo, inihayag ni Abalos ang pag-aresto kay Quiboloy sa Davao City.
Sinabi ni Abalos na nahuli si Quiboloy alas-6 ng gabi sa loob ng KOJC compound sa Davao City, kung saan siya pinaghahanap ng mga pulis mula Agosto 24.
Samantala, kinumpirma naman ni Eastern Mindanao Commander Lieutenant General Luis Bergante na sumuko si Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). RNT