TINGLAYAN, Kalinga – Halos umaabot sa mahigit P11.4 milyong halaga ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na binunot at sinunog ng kapulisan ng Drug Enforcement Group, Special Operations Unit ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region o PR0 CAR sa maigting na kampanya sa marijuana eradication o “Oplan Pat-ut” sa Brgy Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Base sa report, umabot sa 57,000 piraso ng FGMJP ang nadiskubre na marujuana plantation sa hillside lot na may sukat na 3,800 sqm.
Sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs sa matagumpay na operasyon ay katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region – Kalinga Provincial Office, Regional Mobile force Batallion 1503rd Mobile Company, 111th SAC 11th SAB SAF, Provincial Intelligence Team (PIT) Kalinga, Kalinga Provincial Drug Enforcement Unit, BJMP Kalinga District Jail at Tinglayan Municipal Police Station.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng malawakang pagtatanim ng marijuana sa kabubdukan ng nasabing lugar. REY VELASCO