Home NATIONWIDE P11.7M ismagel na mantika, nasabat sa 4 na suspek sa Benguet

P11.7M ismagel na mantika, nasabat sa 4 na suspek sa Benguet

206
0

LA TRINIDAD, Benguet — Umaabot sa ₱11.7 milyong halaga na smuggled o hindi rehistradong mantika (cooking oil) ang nasabat sa apat na suspek sa isinagawang operasyon sa Barangay Puguis, La Trinidad, Benguet.

Sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Baguio City Field Unit ang operasyon, katuwang ang Food and Drug Administration (FDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Sanitation Unit ng La Trinidad, at iba pang ahensya ay nahuli umano sa aktong nagbebenta at namamahagi ng hindi rehistradong mantika ang suspek na kinilalang “Harold,” may-ari ng establisimyento, kasama ang tatlo nitong empleyado na sina “Den,” “Jay,” at “Jop” na residente sa nasabing lugar.

Ang mga produktong nasamsam ay hindi dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri at walang kaukulang lisensya at permit, kaya itinuturing na smuggled o substandard.

Ito ay paglabag sa Republic Act No. 9711, na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng mga food at health products na walang pahintulot mula sa FDA.

Binigyang-diin ng naturang ahensya na ang ganitong uri ng produkto ay posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko dahil hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan nito.

Bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya ng CIDG laban sa mga ilegal na produkto sa buong bansa, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Gen.Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Pinuri rin ng CIDG ang mga operatiba mula sa Regional Field Unit 14 sa pamumuno ni PLTCOL Brendon B. Palisoc at ang Baguio City Field Unit sa pangunguna ni PMaj. Reagan S. Oriña sa matagumpay na operasyon.

Panawagan sa publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar upang mapigilan ang pagkalat ng mga ilegal at hindi rehistradong produkto. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here