MANILA, Philippines – UMABOT sa P11 milyon halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa isang pabrika, kaninang umaga, Nobyembre 4 sa lungsod na ito.
Sa report ng Lapu-Lapu City Fire Protection, bandang 8:36 AM sumiklab ang sunog sa hatchery ng pabrika na matatagpuan sa loob ng compound ng General Milling Corporation (GMC), Brgy. Pajo, ng nabanggit na lungsod.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng mga awtoridad para alamin ang sanhi ng sunog.
Wala naman naiulat na nasugatan o nasawi sa naturang insidente. Mary Anne Sapico