Home METRO P12-M iligal na vape products, nasamsam sa Cavite; 2 timbog

P12-M iligal na vape products, nasamsam sa Cavite; 2 timbog

372
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang suspek at nasabat ang ₱12 milyon halaga ng iligal na vape products sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, nakilala ang mga suspek bilang sina Dante, 34, at Juliana, 21, na nahuling nagbebenta ng mga flavored vape na bawal sa ilalim ng batas dahil naglalaman umano ng nakalalasong at nakaaadik na sangkap.

Kabilang sa mga nasamsam ang mga produktong “Chill X Kleer,” “Geek Bar,” “Chillax Go X,” “Next Lim,” at higit 4,000 bote ng vape juice na tinatayang nagkakahalaga ng ₱12 milyon.

Pinuri ni Morico ang CIDG-Calabarzon at CIDG-Cavite sa matagumpay na operasyon na, aniya, “nakapigil sa pagbebenta ng mga mapanganib na vape at nagbigay proteksyon sa kalusugan ng publiko.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here