Home NATIONWIDE P163-M tobats, nasamsam sa Quezon; 3 arestado

P163-M tobats, nasamsam sa Quezon; 3 arestado

278
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki matapos makumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 25 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱163.2 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Masin Norte, Candelaria, Quezon nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PDEA-NCR Director Emerson Rosales ang mga suspek na sina alyas Jack, 42, at alyas Nor, 31, parehong magsasaka mula Zamboanga City, at alyas Anor, 43, tricycle driver mula North Cotabato.

Nasamsam mula sa kanila ang isang kilo ng shabu na ginamit sa transaksyon, karagdagang 24 na pakete ng droga, isang Toyota Fortuner, mga cellphone, at iba’t ibang ID.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here