Home NATIONWIDE P1,200 minimum wage sa buong bansa, pangako ng Makabayan senatorial bet

P1,200 minimum wage sa buong bansa, pangako ng Makabayan senatorial bet

161
0

MANILA, Philippines – Kung mahahalal, isusulong ng senatorial aspirant sa ilalim ng Makabayan coalition ang P1,200 across the board minimum wage sa buong bansa.

Ito ang pahayag ni Jerome Adonis, isa sa 11 senatorial bets ng Makabayan, matapos ang paghahain niya ng certificate of candidacy sa the Manila Hotel Tent City nitong Biyernes, Oktubre 4.

“Kung sakali po na papalarin tayong maging senador, ang unang-una pong gagawin natin ay itataas natin ang sahod ng mga manggagawang Pilipino sa 1,200 pesos kada araw dahil ‘yon po ang pangangailangan,” sinabi ni Adonis.

Ang kanyang panukala ay halos doble sa kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila na P610 hanggang P645, at apat na beses sa sahod sa Bangsamoro region na P325.

“Hindi na talaga nagkakasya ang sahod na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino,” aniya.

Sinabi rin ni Adonis na kailangan nang buwagin ang regional wage boards sa buong bansa.

“Ito ay mekanismo sa pambabarat sa sahod ng mga manggagawa.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here