Manila, Philippines – Kumbaga sa pelikula, blockbuster pala ang kauna-unahang pagsasayaw ni Mark Herras sa Apollo Bar sa Roxas Blvd. sa Baclaran noong January 10.
Tiba-tiba nga raw ang management.
Dahil dito, muling nagtanghal ang unang Male Ultimate Starstruck winner nitong January 13.
Isinabay na rin ito sa isang pabulosang male search.
Ayaw sabihin ng Apollo management kung magkano ang iniakyat ni Mark sa unang gabi ng kanyang performance.
Pero balitang sa mga gustong maka-table ang aktor, dapat umorder ng limang bote ng alak ang interesadong parokyano.
Bawat isang bote ay nagkakahalaga ng P25k times 5, P125k ang kabuuang dapat bayaran ng customer.
Kaso, balitang hindi raw sumipot ang nagpa-reserve ng table para makasama si Mark.
Balita ring P300k ang talent fee na tinanggap ni Mark.
This has yet to be confirmed.
Kung pagbabasehan kasi ang entrance charge ay P500 lang.
Sana man lang daw ay tinaasan ito considering na may pangalan si Mark Herras.
Sa ngayon, dedma lang si Mark sa mga negatibong komento ng kanyang bar gig.
Eh, kung ‘yun nga naman ang marangal at malinis na paraan para matugunan niya ang mga pangangailangan ng kanyng pamilya, keber! Ronnie Carrasco IiI