Home NATIONWIDE P128M lotto jackpots mailap!

P128M lotto jackpots mailap!

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa alinman sa malaking lotto draw na ginanap noong Martes, Hunyo 4.

Walang nakatama sa tamang kumbinasyon para sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49, o Lotto 6/42, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga nanalong numero para sa Ultra Lotto 6/58 ay 02-47-04-25-21-41. Ang jackpot ay nasa P57,514,250.00.

Ang mga nanalong numero para sa Superlotto 6/49 ay 34-09-29-04-28-21. Ang premyo ay nasa P41,092,426.20.

Ang mga nanalong numero para sa Lotto 6/42 ay 16-42-41-11-38-33. Ang premyo ay nasa P29,076,192.00. RNT