TABUK CITY, Kalinga- Nadiskubre ang hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P11.8 milyon sa Barangay Maluksad, Pasil, Kalinga nitong Sabado.
Sinabi ni Police Capt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga police, na iniulat ng isang concerned citizen ang presensya ng tatlong kahina-hinalang sako sa isang box culvert sa mga pulis.
Binuksan ito ng mga awtoridad at natuklasan ang 99 bricks ng dried marijuana leaves at stalks.
Dinala na ang mga ito sa Kalinga police forensic unit para sa pagsusuri at dokumentasyon.
Sinabi ni Manganip na nagsasagawa sila ng follow-up investigation upang matukoy ang transporter.
Sa kasalukuyan, ang standard price ng isang marijuana brick na may timbang na isang kilo ay P120,000. RNT/SA