Home METRO P12M naabo sa sunog sa Cebu

P12M naabo sa sunog sa Cebu

MANILA, Philippines – Aabot sa P12 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian sa sunog na sumiklab sa isang tirahan at warehouse sa Cebu City nitong Lunes, Abril 15.

Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog bandang 3:16 ng madaling araw sa residential area sa M. Velez Street, Brgy. Guadalupe.

Nagsimula ito sa tatlong palapag na bahay ng isang Rofino Gawchua.

Kumalat na ito sa kalapit na warehouse na imbakan ng mga gulong.

Itinaas sa ikatlomg alarma ang sunog bandang 3:56 ng umaga at idineklarang fire under control 5:38 ng umaga.

Tuluyang naapula ang sunog 6:25 ng umaga at ang pinsala ay nasa P12 milyon. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. RNT/JGC