Home METRO Dumaraming Chinese studes sa Cagayan ‘di banta sa seguridad – Gov

Dumaraming Chinese studes sa Cagayan ‘di banta sa seguridad – Gov

138
0

TUGUEGARAO –  Itinanggi ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang mga ulat na ang pagdagsa ng mga Chinese na estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad sa Tuguegarao, Cagayan ay banta sa pambansang seguridad.

“Bakit tayo matatakot sa estudyante? Pero hindi tayo natatakot sa napakadaming military equipment na dumadating dito sa atin,” pahayag ni Mamba sa isang radio interview.

Ipinaliwanag ng gobernador na ang mga mag-aaral na legal ang pagpasok sa bansa ng mga Tsino, at ito aniya ay partnership sa pagitan Chinese learning institutions at Commission on Higher Education (CHED).

Aniya, maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagbigay ng visa para sa mga Chinese students.

Hinikayat ng gobyerno sa pamamagitan ng CHED, gayundin ng ilang unibersidad sa Pilipinas, ang mga mag-aaral na Tsino na mag-aral sa bansa.

“We are fortunate that they chose to study in Cagayan. Ang dami naming Chinese dito. We have a very vibrant Chinese community here because ito yung pasukan ng Chinese since time immemorial,” paliwanag ni Mamba sabay dagdag na ang CHED ay may internationalization program.

Binigyang-diin pa ng gobernado na wala pang ulat na tumaas ang bilang ng krimen sa lalawigan mula nang magsimula ang programa ng CHED.

Nauna rito, naghain ng magkahiwalay na resolusyon ang dalawang mambabatas sa Cagayan valley na humihiling sa Mababang Kapulungan na tingnan ang pagdami ng mga Chinese national sa lalawigan sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here