Home HOME BANNER STORY P13.3B droga naharang sa Batangas checkpoint

P13.3B droga naharang sa Batangas checkpoint

BATANGAS – Nasakote ng awtoridad ang nagkakahalaga ng P13.3 bilyong sako-sako ng droga na lulan ng isang pampasaherong van sa isinagawang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan, sa bayan ng Alitagtag.

Naaresto naman agad ang driver ng Foton Passenger Van na kinilalang si Alajon Michael Zarate 47, residente ng Project 4 Masagana sa Quezon City, na kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng pulisya para sa isasagawang masusing imbestigasyon.

Batay sa inisyal na report, dakong alas- 9:00 ng umaga kanina nang masabat sa checkpoint ang nasabing sasakyan kung saan umano ay galing si Zarate sa bayan ng Sta. Teresita sa Lipa City, Batangas.

Napag-alaman sa awtoridad na napansin umano nila ang van na may lamang mga sako at saka pinara ito.

“When requested about the driver’s license, the suspect was unable to present the same. While being asked about his driver’s license, the suspect became uneasy and uncomfortable,” saad sa ulat ng pulisya.

Sa pag-inspeksyon ng pulisya rito na bumulatlat ang sako-sakong droga.

Sa isinagawa namang press conference, agad naman ipinag-utos ni Department of Interior Local and Government ( DILG) Sec. Benjur Abalos ang pagsira sa mga nakumpiskang hinihinalang shabu. Ellen Apostol