Home HOME BANNER STORY PBBM: ‘Di ko tungkuling humingi ng tawad sa Martial Law victims

PBBM: ‘Di ko tungkuling humingi ng tawad sa Martial Law victims

MANILA, Philippines — “I don’t think it’s a duty for a president to be involved.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang tanungin ukol sa paghingi ng tawad sa mga biktima ng martial law sa ilalim ng diktaturya ng kanyang ama.

“That is a personal matter for the Marcos family,” dagdag pa ni Marcos sa Foreign Correspondents Association of the Philippines forum na ginanap sa Manila Hotel.

Nang tangunging muli dahil sa pagiging miyembro ng pamilya Marcos, sinabi niya na: “Definitely. Pero mas mahalaga ngayon ang tungkulin ko bilang presidente kaysa sa tungkulin ko bilang miyembro ng pamilya Marcos. So, I take that, yun ang first priority ko.”

Ang batas militar ay idineklara noong Setyembre 23, 1972 ni Marcos upang sugpuin ang sinabi niyang lumalagong banta mula sa mga rebeldeng Maoista at mga separatistang Islam.

Hindi bababa sa 70,000 ang maling nakulong at 3,200 katao ang napatay noong Martial Law, ayon sa Amnesty International.

Sinabi rin ng World Bank na nagnakaw si Marcos Sr. sa pagitan ng $5 bilyon at $10 bilyon mula sa kaban ng bansa.

Kabilang umano dito ang $40-million Arelma assets ni Marcos Sr.

“I really haven’t looked at it in years…” ani Marcos nang tanungin naman ukol sa Arelma funds.

Sinabi ni Marcos na wala siyang panahon sa pagharap sa mga ganitong kaso, ipinauubaya na niya ito sa mga abogado.

“The cases, the previous cases that were filed post 1986, I have not touched,” ani Marcos. “It would be highly improper for me to involve myself in that, besides I don’t have the time to do it, so I leave it to the lawyers.” RNT