MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang hinihinalang drug peddler sa isang buy-bust operation sa Bolinao, Pangasinan nitong Miyerkoles, kasama ang P13.6 milyon halaga ng umano’y shabu, ayon sa Philippine National Police Drug Enforcement Group.
Ang operasyon ng Special Operations Unit 3 ay nagresulta sa pagkakahuli ng 45-anyos na lalaki at 24-anyos na babae, parehong tinaguriang high-value targets.
Narekober mula sa kanila ang dalawang kilo ng shabu at iba pang ebidensiya.
Ayon kay Brig. Gen. Edwin Quilates, PNP-DEG director, ang operasyon ay patunay ng kanilang “unwavering commitment to dismantle drug networks and safeguard our communities from the scourge of illegal drugs.”
Ang mga suspek ay dinala sa Bolinao Police Station para sa dokumentasyon at ang nakuhang droga ay ipapadala sa Pangasinan Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination. Dave Baluyot