Home NATIONWIDE P133-M ‘coca’ nasamsam sa Palawan

P133-M ‘coca’ nasamsam sa Palawan

280
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga pulis ang P133 milyon na halaga ng umano’y ilegal na droga sa baybayin ng Linapacan, Palawan noong Martes, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Tinatayang 25,210 gramo ng umano’y cocaine ang nasamsam, nakalagay sa mga kahon na may itim na tape at may markang “stone,” na nakalat sa Sitio Calelenday.

Kasama sa operasyon ang Linapacan Municipal Police Station, Provincial Police Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit, bilang tugon sa ulat ng isang residente.

Ang nakuhang ebidensya ay ipinasa sa Palawan Provincial Forensic Unit at ihahain sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa tamang proseso.

Binigyang-diin ng mga opisyal ng PNP ang kahalagahan ng maagap na operasyon sa mga liblib na lugar.

“Hindi natin pwedeng hayaang gamitin ng sindikato ang mga baybayin at isla bilang drop-off points. Every recovery, like this one, denies criminals the opportunity to distribute illegal drugs in our communities,” ani PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño.

Pinagtibay naman ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang patuloy na adbokasiya ng PNP laban sa droga, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas ligtas at drug-free na Pilipinas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here