Home NATIONWIDE P13M counterfeit products nakumpiska

P13M counterfeit products nakumpiska

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang nasa P13 milyong halaga ng counterfeit products sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Sinabi ng NBI na ang mga nakumpiska ay mga batch and beauty products na aabot sa halagang P12.28 milyon sa Manila, Quezon City at Parañaque City noong Hulyo 5.

Nakumpiska rin ang P1 milyon halaga ng counterfeit technologies sa Manila sa parehong araw.

Sinabi ng NBI na nagsilbi ito ng 12 search warrant matapos makatanggap ng reklamo na may ilang indibidwal at establisyimento na nakikibahagi sa marketing, distribution, at pagbebenta ng mga pekeng teknolohiya.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 8293 ng Intellectual Property Code, partikular sa ilalim ng Section 155 (Trademark Infringement) at Section 168 (Unfair Competition)

Samantala, inaresto ng NBI ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng counterfeit essential oils sa Davao City noong Hulyo 3.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng NBI na ang marketing company ay illegal na nagmamahagi at nagbebenta ng produkto sa ilalim ng registered marked ng complainant.

Ipinakita sa laboratory analysis na Ang counterfeit essential oils ay bumagsak sa amoy, lalo ang gravity at assay.

Ang tatlong indibidwal ay naaresto matapos ideliber ang 300 piraso ng 10-millimeter bottles ng counterfeit essential oils sa poseur buyer.

Iniharap na rin sila sa inquest proceedings sa Davao City Prosecutors Office para sa paglabag sa RA 8293. Jocelyn Tabangcura-Domenden