Home METRO P13M ‘tobats’ nasabat sa Zamboanga City

P13M ‘tobats’ nasabat sa Zamboanga City

MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad nitong weekend ang P13.6 milyong halaga ng shabu sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Arestado rin ang tatlong indibidwal sa joint operation na isinagawa ng Naval Forces Western Mindanao at ng Philippine National Police (PNP) Regional Drug Enforcement Unit.

Kabilang sa mga nadakip na indibidwal ang isang babaeng senior citizen, isa pang babae, at isang lalaki, hindi pinangalanan dahil sa gumugulong na follow-up investigation.

Kasalukuyang nasa detention facility ng Zamboanga City Police Office ang mga suspek.

Samantala, dinala ang mga nakumpiskang droga sa PNP Regional Forensic Unit para sa quantitative at qualitative analysis. RNT/SA