Home METRO P14.5M pekeng produkto nasabat ng NBI

P14.5M pekeng produkto nasabat ng NBI

214
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit ₱14.5 milyong halaga ng hinihinalang pekeng produkto sa magkakasunod na operasyon sa Metro Manila noong Setyembre 3 at 4.

Ayon sa NBI-NCR, nakumpiska ang 31,597 na produktong may tatak na “Victoria’s Secret” at 14,965 produkto na may tatak na “Bath and Body Works” mula sa iba’t ibang tindahan at bodega sa Pasay, Maynila, Valenzuela, at Quezon City. Nagsimula ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang mga kinatawan ng dalawang brand.

Hindi pa inihahayag ng NBI kung may mga naaresto o kasong isinampa sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here