Home NATIONWIDE P143M lotto jackpots, mailap sa mga mananaya

P143M lotto jackpots, mailap sa mga mananaya

173
0

MANILA, Philippines – Walang naka-jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginanap noong Martes, Pebrero 17, 2026.

Sa Ultra Lotto 6/58, lumabas ang winning combination na 30-32-56-43-27-50 para sa jackpot na P75 milyon, ngunit walang nakatugma sa lahat ng anim na numero.

Sa SuperLotto 6/49, ang lumabas na kombinasyon ay 17-45-15-49-26-40 para sa jackpot na P55.58 milyon. Ayon sa PCSO, walang nanalo sa top prize.

Para sa Lotto 6/42, ang winning numbers ay 12-22-36-03-41-37 para sa jackpot na P13.22 milyon, ngunit wala ring nanalo.

Sa minor games, lumabas ang kombinasyong 3-4-5-6-1-2 sa 6D Lotto na may P1.17 milyong premyo at dalawang nanalo. Sa 3D Lotto, lumabas ang 5-1-2 sa 2 p.m. draw na may 466 winners; 2-5-2 sa 5 p.m. draw na may 350 winners; at 6-5-0 sa 9 p.m. draw na may 266 winners, na bawat isa ay tumanggap ng P4,500.

Sa 2D Lotto naman, lumabas ang 14-10 sa 2 p.m. draw na may 423 winners; 30-29 sa 5 p.m. draw na may 21 winners; at 01-05 sa 9 p.m. draw na may 487 winners, na bawat isa ay tumanggap ng P4,000.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. Ang SuperLotto 6/49 ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang ang Lotto 6/42 ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here