Home METRO P14M nilimas sa 2 sanglaan sa Cebu City

P14M nilimas sa 2 sanglaan sa Cebu City

MANILA, Philippines – Ninakawan ng nasa anim na armadong kalalakihan ang dalawang sanglaan sa Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon sa ulat, nalimas ang nasa P10 milyon at P4 milyon sa Macy’s Jewelry at D’ Gold Chain Jewelry Store.

Sa footage mula sa closed circuit television (CCTV) camera sa isa sa mga pawnshop, nakita ang mga magnanakaw na tinutukan ng baril ang mga sales staff at customer, dahilan para magsipagdapa ang mga ito sa sahig.

Ang mga suspek na nakasuot ng long-sleeve, black masks at helmet, ay pinuntirya ang mga alahas mula sa display cases at agad na umalis lulan ng tatlong motorsiklo.

Sinabi ni Colonel Antonietto Cañete, Cebu City Police Office (CCPO) acting director, isinasagawa na ang hot pursuit operation sa ikaaaresto ng mga magnanakaw.

Binigyan ng 48 oras ni Acting Cebu City Mayor Raymond Garcia ang CCPO para resolbahin ang krimen.

“I am very disappointed that this happened here in the city of Cebu. We will investigate this matter,” ani Garcia.

“I will summon Col. Cañete this afternoon. And we will give him exactly 48 hours to solve this criminal act done by criminal elements here in our jurisdiction of Cebu City,” dagdag pa niya. RNT/JGC