Home NATIONWIDE P15.75M ‘di dokumentadong sigarilyo nasabat ng PCG sa Masbate

P15.75M ‘di dokumentadong sigarilyo nasabat ng PCG sa Masbate

151
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol ang 630 kahon ng mga undocumented na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P15.75 milyon sa isang routine inspection sa Mobo Port sa Masbate.

Ayon kay Commodore Ivan Roldan, commander ng PCG District Bicol, nangyari ang operasyon noong Martes (Marso 31) bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa & Summer Vacation 2026.”

Sinabi ni Roldan na habang iniinspeksyon ng mga tauhan ng PCG kasama ang kanilang K9 unit, ang mga outbound cargo bago ang pagsakay ng barko, natagpuan nila ang mga kahon ng Titanium Red, 92 kahon ng Titanium Blue, 72 kahon ng Titanium Green, 15 kahon ng Two Moon, at 371 kahon ng Mighty Green cigarettes na itinago sa likod ng mga kasuotan.

Si Ramon Bello, ang truck helper, ay hindi nakapagpakita ng tamang dokumento ng kargamento.

Tumakas naman ang driver ng 10-wheeler wing van truck na pagmamay-ari ng Richport Trading and Realty Inc. at nananatiling pinaghahanap.

Ang mga nakumpiskang items ay minarkahan, sinigurado, at inimbentaryo sa pantalan na sinasamantala ng ilang barangay officials.

Habang si Bello ay dinala sa Mobo police station para sa karagdagang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here