Home NATIONWIDE P15,000 dagdag-sahod iginiit ng grupo ng mga guro sa DepEd

P15,000 dagdag-sahod iginiit ng grupo ng mga guro sa DepEd

661
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ng ₱15,000 dagdag-sahod para sa mahigit isang milyong guro at empleyado ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay TDC chair Benjo Basas, kayang tustusan ng gobyerno ang ₱210 bilyong halaga ng umento kung mailalaan nang tama ang badyet—mas mababa pa ito kaysa sa ₱346 bilyong nakalaan para sa flood control projects sa 2025 na pinuna ring may mga anomalya.

Binanggit ni Basas ang Senate Bill 211 na inihain ni Senador Risa Hontiveros, na nagtatakda ng phased salary increase: ₱6,000 (₱84B), ₱10,000 (₱140B), o ₱15,000 (₱210B).

Hinimok din niya ang pamahalaan na ilipat ang bahagi ng pondo mula sa flood control, intelligence, at GOCCs patungo sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.

Iginiit ng TDC ang mas mahigpit na pagbabantay sa paggastos ng pondo ng bayan upang masiguro ang tunay na pakinabang ng mamamayan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here