MANILA, Philippines – Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Capital Region at sa Central Luzon kasunod ng reklamo ng isang kompanya.
Sa ulat, sinalakay ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, at sa NCR.
Mahaharap sa reklamong trademark infringement at unfair competition ang establisyimento.
Ayon pa sa NBI, maghain na rin ng motion for destruction ang complainant upang masira angga peken adhesive cements .
Binanggit din ng mga otoridad na ang sinalakay na establisyimento ay hindi nagbabayad ng buwis. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)