Home HOME BANNER STORY P15M pinsala sa Masbate airport sa hagupit ni Opong

P15M pinsala sa Masbate airport sa hagupit ni Opong

274
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Transportation (DOTr) na pabibilisin ang pagsasaayos ng Masbate Airport matapos na magtamo ng matinding pinsalang aabot sa P10 milyon hanggang P15 milyon ang paliparan dahil sa pananalasa ng bagyong Opong.

Mula Huwebes ay sinuspinde na ng Masbate airport ang operasyon nito, o bago pa man mag-landfall ang bagyo.

Ipinag-utos ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ihanda ang makeshift terminal para sa mga pasahero habang isinasagawa ang repair works ng terminal building.

Sa video mula sa DOTR, makikita na nasira ang bubong at kisame ng paliparan.

Ipinag-utos ni Lopez sa CAAP ang pagsasagawa ng emergency procurement para sa agarang pagbili ng mga materyales para sa repair at standby supplies.

“Inutusan ko na ang CAAP na maghanap ng lugar dito sa labas kung saan pwede maglagay ng makeshift terminal. Pero ang problema sa ating sitwasyon ngayon ay ‘yung pagbibilhan natin ng construction materials, ay apektado rin [ng bagyo],” saad sa pahayag ni Lopez.

Ayon sa DOTR, target ng CAAP na maibalik ang mga flight sa Masbate Airport pagsapit ng Lunes, Setyembre 29.

Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang Masbate ang pinaka-napinsalang probinsya ng bagyong Opong. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here