Home METRO P170-K marijuana nasabat sa buy-bust ops sa Kyusi

P170-K marijuana nasabat sa buy-bust ops sa Kyusi

214
0

QUEZON CITY, Philippines – Ipinagmalaki ni Quezon City Police District (QCPD) Acting Director PCOL Randy Glenn Silvio ang pagkakasamsam ng marijuana na nagkakahalaga ng Ph172,500.00 at pagkaka-aresto kay alyas “Abraham”, 29-anyos sa isinagawang buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS13) sa ilalim ni PLTCOL Rowena Amata sa patuloy na kampanya laban sa iligal na droga.

Sa ulat, dakong ala-1:20 ng umaga noong Setyembre 11, 2025, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa loob ng tirahan ng suspek kasunod ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagkakasangkot nito sa mga aktibidad ng ilegal na droga. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng Php500.00 na halaga ng marijuana mula sa suspek at sa pre-arranged signal, siya ay inaresto.

Ayon sa QC pulis nakumpiska sa kanya ang 1,000 gramo ng dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng Php120,000.00, 35 gramo ng marijuana na KUSH na nagkakahalaga ng Php52,500.00, isang bag, isang cellphone, at ang buy-bust money.                                     

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa harap ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Kaugnay nito binigyang komendasyon ni PCOL Silvio ang mga operatiba ng PS13  dahil sa walang tigil na kampanya kontra sa iligal na droga at sinabing  “Walang puwang sa QCPD ang mga nagpapalaganap ng iligal na droga sa lungsod. Kaya naman, hinihikayat natin ang bawat mamamayan na Magtulungan po Tayo, Qcitizen at QCPD, laban sa Krimen.” (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here