Manila, Philippines – Muling kinalampag ni Davao Rep. Paulo Duterte ang Infra Comm ng Kamara na nag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects na ilantad ang badyet, proyekto, at huwag lamang puro paratang.
“Hinahamon ko ang lahat: ipakita ninyo lahat ng budget, ilabas ninyo lahat ng proyekto. Huwag n’yong itago sa papel, ipakita ninyo sa mismong distrito kung meron bang kalsada, tulay, kanal, ospital, o pawang drawing lang.”
Giit pa ng mambabatas na ang mga Davaoeños ay nagbabayad din ng buwis kung kaya naghihintay din ang mga ito ng mga dapat managot sa paglulustay ng pera ng bayan.
“Let us all demand the truth, backed by evidence. Hindi na panahon ng drama, diversion, ug mga pasangil. The Filipino people, including us Davaoeños, will no longer accept excuses. We demand nothing less than the whole truth—and accountability for every peso stolen from the people.Kami mga Davaoeños ay taxpayers din. Dili lang Luzon, dili lang Metro Manila ang nagabayad ug buhis. Apil mi tanan dinhi sa Mindanao. Our money is part of the same national budget. We deserve the truth about these so-called flood control projects that are not only happening in Luzon but in some other parts of the country as well ,” ayon kay Rep. Duterte.
Kung totoo aniya ang mga akusasyon ukol sa ghost projects ay dapat itong mailantad sa publiko at tigilan na ang pagbabaligtad sa mga kwento para lamang umano maituro ang mga Duterte at mailigtas ang kani-kanilang mga leeg.
“Wag niyong baliktarin ang istorya at ihulog sa aming pamilya para lang maluwas ang inyong kaugalingong baho. Nasaan ang totoong proyekto? Nasaan ang serbisyo? O ninakaw na lang ang pera?
Tatlong taon na kaming ina araw araw ng mga gustong magpa bagsak sa aming pamilya,ang aming mga anak ay traumatized na at ang aking sakiting ama ay na kidnap na at dinala sa banyagang korte.”
Hamon pa ng mambabatas na handa ang mga Duterte na harapin ang kaso sa korte.
“Hindi kami perpekto pero kung may kamali-an man kami,hindi namin ito tatakpan at ito ay aming haharapin dahil alam namin na ang aming ginagawa ay para sa mahal naming bayan ng pilipinas.”
Apela pa ni Polong sa Infra Comm na maging patas sa ginagawang imbestigasyon dahil karapatan aniya ng mga Pilipino ang marinig ang katotohanan.
“Kung imbestigasyon man ang ginagawa ng Infra Comm ngayun, do it correctly and fairly, the people deserve the truth…but if it is another effort to ruin our family, file the cases and spare the taxpayers money from this circus.” (Meliza Maluntag)