Home NATIONWIDE P178M lotto jackpots ‘di napanalunan

P178M lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Walang tumama sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 sa draw ng Marso 24, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Umabot sa P153,619,797.20 ang jackpot ng Grand Lotto 6/55, ngunit walang nakakuha ng tamang kombinasyon 21-30-27-38-29-03.

Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na P24,600,271, matapos walang nakahula sa mga numerong 14-17-38-01-18-19. RNT