Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Mindanao ngayong Martes, ayon sa PAGASA.
Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Davao Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at BARMM, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa Easterlies. May posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa matitinding pag-ulan.
Katamtamang hangin mula sa silangan hanggang hilagang-silangan ang mararanasan sa silangang bahagi ng bansa, habang magiging banayad hanggang katamtaman ang hangin sa iba pang bahagi na may kaunting pag-alon sa karagatan. RNT