Home NATIONWIDE P181M lotto jackpot mailap

P181M lotto jackpot mailap

MANILA, Philippines – Walang naitalang panalo sa alinman sa major lotto draw nitong Lunes, Abril 1, matapos ang Holy Week break.

Walang bettor ang nakahula ng tamang kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 na may 17-52-37-43-38-11 na winning digits. Ang jackpot prize ay nagkakahalaga ng P181,072,686.40.

Samantala, wala ring nakahula ng winning digits para sa Mega Lotto 6/45 na 31-14-17-13-05-09. Nasa P8,910,000 ang premyo. RNT