MANILA, Philippines – Naitala ang pinakamataas na heat index noong Lunes, Abril 1, sa 45°C sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Inuri ng PAGASA ang nasabing heat index bilang “dangerous” kung saan walo pang lugar sa bansa ang nakapagtala nito.
Ang ikalawang pinakamataas na heat index ay naitala sa 44°C sa istasyon ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur, at sa istasyon ng PAGASA sa Roxas City, Capiz.
Samantala, naitala naman ang heat index na 43°C sa Dumangas, Iloilo, Catarman, Northern Samar, at Aborlan, Palawan.
Bukod dito, naramdaman ang heat index na 42°C sa Baler, Aurora, Iloilo City, Iloilo, at Cotabato City, Maguindanao.
Batay sa daily heat index report ng PAGASA, ang pinakamataas na naitalang temperatura ngayong taon ay 48°C noong Marso 27 sa Roxas City, Capiz.
Itinuturing ng PAGASA na delikado ang heat index na 42 hanggang 51°C, dahil maaari itong humantong sa heat stroke, heat cramps, at heat stroke mula sa patuloy na aktibidad. Santi Celario