Home NATIONWIDE Bilin ni PPBM: Huwag ma-‘provoke’ sa agresyon ng Tsina sa WPS –...

Bilin ni PPBM: Huwag ma-‘provoke’ sa agresyon ng Tsina sa WPS – PCG exec

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Coast Guard (PCG) na huwag ma-“provoke” sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS), sabi ng isang opisyal ng Coast Guard.

Binalewala ni Commodore Jay Tarriela ang mga pambabatikos ng publiko sa tugon ng Coast Guard sa kamakailang mapanuksong aksyon ng China sa WPS, na nagsasabing mayroon silang chain of command na sinusunod.

Sinabi ni Tarriela na sinusunod nila ang patnubay ng Pangulo na hindi sila dapat ma-provoke sa mga aksyon ng China sa karagatan, at hindi sila dapat maging dahilan ng anumang “paglala” ng sitwasyon sa WPS.

“We have a chain of command. We respect the guidance of our President. The guidance of the President is that we should not be provoked, we should not be the reason of intensifying the escalation for China to justify to once again bring the next level of aggression kung anuman ang plano nilang gawin,” Ani Tarriella sa isang news forum.

“But we cannot do otherwise because we have to comply and we know for a fact – we trust our Commander-in-Chief, the National Task Force-West Philippine Sea, of course the National Security Adviser – but we have to maintain professionalism in dealing with this kind of bullying (by) the Chinese Coast Guard,” paliwanag pa ng opisyal.

Gayunman, sinabi ni Tarriela na ibinahagi ng Coast Guard personnel ang lebel ng emosyon na nararamdaman ng publiko.

Sinabi ng PCG official na hindi patas na ilarawan ang mga tauhan ng Coast Guard bilang mga duwag, na binanggit na ginagawa lamang nila ang kanilang makabayang tungkulin.

Nagpasabog ng mga water cannon ang mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) laban sa BRP Bagacay ng PCG at BRP Datu Bankaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources noong Abril 30, na nagdulot ng mahigit P2 milyong pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden