MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ang P197,898,000 na pondo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa susunod na taon.
Ito ay kasabay ng pagdinig ng Senado kung saan sinuri ni Senador Erwin Tulfo, Finance Subcommittee Head, ang panukalang badyet.
Sa naturang pondo, 27% o ₱53.39 milyon ang nakalaan sa personnel services mula sa national government, habang 73% o ₱144.51 milyon para sa maintenance at iba pang operating expenses at capital outlay na magmumula sa sariling kita ng ahensya. RNT