MANILA, Philippines – Nasolo ng lucky bettor ang nasa P19 milyong lotto jackpot nitong bola ng Huwebes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang masuwerteng mananaya ay natumbok ang tamang kumbinasyon ng mga numero na 05-26-02-21-08-27 para sa Lotto 6/42 draw at makapag-uuwi ng jackpot na 19,033,913.00.
Sa kabilang banda, hindi naman nahulaan ang winning digits na 32-24-38-03-05-15 para sa Superlotto 6/49 draw, na ang premyo ay umabot na sa P62,995,035.00.
Wala ring nanalo sa 6D Lotto na P565,559.40, na may mga panalong numero na 7-5-9-3-0-1. RNT