Home NATIONWIDE P1B kumpensasyon sa Marawi siege victims inilabas ng DBM

P1B kumpensasyon sa Marawi siege victims inilabas ng DBM

101
0

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1 billion na kompensasyon o bilang kabayaran para sa mga biktima ng Marawi siege.

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang alokasyon ay makapagbibigay ng monetary compensation sa 574 beneficiaries/recipients, lalo na para sa ‘structural damages at death claims.’

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pagpopondo ay pagpunan sa nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga naapektuhan ng siege.

“As a daughter of Mindanao, I can say na malaking tulong po itong P1-billion Marawi Siege Victims Compensation para tuluyang makabangon ang mga kababayan natin sa Marawi,” ayon sa Kalihim.

“Gusto po ng administrasyon ni President BBM na mabigyan ng sapat na suporta at kakayanan ang mga apektadong pamilya na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay,”dagdag na pahayag ng Kalihim.

Ang tulong, nakalaan para sa mga biktima para sa 2017 Marawi crisis, naglalayon na magbigay ng lubhang kailangan para sa ‘recovery at rehabilitation.’

Ito ay mandato ng Republic Act No. 11696, o Marawi Siege Victim’s Compensation Act of 2022.

Saklaw ng kompensasyon ang claims kapwa para sa ‘fully at partially damaged structures’ kabilang na para sa mga nasawi sa panahon ng bakbakan.

Samantala, inaprubahan naman ni Pangandaman ang Special Allotment Release Order para sa pagpopondo, araw ng Martes at huhugutin mula sa 2024 budget. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here