Manila, Philippines- Umingay na ulit ang pangalan ni James Reid. Thanks to Liza Soberano na umalis na sa Careless management ni James.
But prior to Liza’s resignation sa Careless, nasipa na rin as partner sa kompanya ang rumored boyfriend ni Liza na si Jeffrey Oh.
Ayon kay James, kwestyonable raw kasi business practices nito at may atraso sa kanya si Jeff na nagkakahalaga ng P100M.
Daming pasabog ni James sa past interviews sa kanya pero karamihan dito ay naging negatibo ang dating.
Syempre, may nabwisit na fans ni Liza kay James.
At isa pang ikina-reak ng netizens, especially ng fans ni Nadine Lustre, ay ang dialogue ni James na ayaw niyang makatrabaho ulit ang kanyang ex on-and-off screen partner.
Hellooo. Ang tagal nang walang proyekto ni James sa TV at pelikula.
Nag-concentrate sya sa kanyang pagkanta pero parang ‘di naman naramdaman ng marami.
Habang si Nadine, left and right ang projects pagkatapos mahiwalay kay James. At nanalo pa ng mga awards.
Di hamak na mas active ang showbiz career ni Nadine kesa kay James.
At ngayon ay makakasama pa ni Nadine ang big stars na sina Vilma Santos at Aga Muhlach sa pelikulang “Uninvited.”
Kaya alam na kung saan nanggagaling ang pagka-bwist ng fans ni Nadine kay James. Julie Bonifacio