Home NATIONWIDE Sept. 30 voters registration deadline ‘di na palalawigin pa – Comelec

Sept. 30 voters registration deadline ‘di na palalawigin pa – Comelec

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na hindi nito palalawigin ang deadline ng voter registration na nakatakda sa Setyembre 30, 2024 upang maproseso ang iba pang voter application sa panahon ng voter registration period.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mayroon na lamang anim na araw na natitira para sa mga may planong magparehistro , transfer o reactivate sa kanilang registration para sa 2025 national at local elections.

“Ilang araw na lang, anim na araw na lang ay katapusan na po ng registration period up to September 30 at wala pong intensyon ang Comelec na mag extend ng registration perod, ayon kay iGarcia.

Sinabi ni Garcia na maging ang registration sa overseas Filipino workers ay matatapos na rin sa nasabing petsa kaya namanuling nagpaalala ang Comelec na samantalahin ang pagakkataong makpaagparehistro. (Jocelyn Tabangcura-Domemden)