MANILA, Philippines – NAG-ALOK ng P1 milyong pabuya ang “Ang Bumbero ng Pilipinas” (ABP) sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga pumatay kay Leninsky “Bogs” Bacud, ikatlong nominee ng ABP, na brutal na pinaslang noong Abril 28, 2025 sa P. Guevarra St. Bgy.435 Sampaloc, Maynila.
“Hindi ito basta pagpatay. Isa itong pag-atake sa isang taong buong-pusong naglingkod sa bayan. Hindi kami tatahimik hangga’t hindi nakakamit ang hustisya,” pahayag ng ABP.






