Home METRO P1M shabu nakuha sa binatang tulak

P1M shabu nakuha sa binatang tulak

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang 19-anyos na binatang hinihinalang tulak sa isang buy-bust operatino sa Purok Maabi-abihon, Barangay 35, Bacolod City nitong Biyernes, Hunyo 14.

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP)-Drug Enforcement Group (PDEG)-Special Operations Unit (SOU)-6 (Western Visayas) ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 mula sa suspek.

Dati nang naaresto ng pulisya ang kaibigan ng suspek dahil din sa drug offense.

Ayon sa PDEG, posibleng naimpluwensyahan ng nakalayang suspek ang naarestong suspek sa pagtutulak ng droga.

Ang naarestong suspek ay isa umanong ‘newly-identified individual.’ RNT/JGC